Labor leaders, hindi pinulong ni PNoy

 

Walang naganap na pulong sa pagitan ni Pangulong Noynoy Aquino at mga labor leader ngayong Araw ng Paggawa.

Ito’y kahit pa ang Labor Day ngayong taon ay ang huli na ni Aquino bilang Presidente ng bansa.

Paliwanag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa halip na dumalo sa commemorative events, mas tinutukan ni Pnoy ang mga aksyon at pagkakaloob ng mga serbisyo para sa mga manggagawang Pilipino.

Pagmamalaki naman ni Coloma, sa ilalim ng anim na taong Aquino administration, mas maraming job opportunities daw para sa mga mamamayan.

Bukod dito, naipagkaloob sa mga empleyado ang mas mataas na sweldo at tax benefits.

Batay naman sa datos ng Department of Labpr and Employment o DOLE, higit sa anim na milyong Pilipino ang nagka-trabaho mula nang maupo sa Palasyo si Pangulong Aquino noong 2010.

 

Read more...