Bahagi ng National Archives of the Philippines nasunog

By Chona Yu September 05, 2021 - 11:47 AM

Tinupok ng apoy ang bahagi ng National Archives of the Philippines sa Maynila.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection, wala namang naiulat na nasaktan sa sunog.

Nagsimula ang sunog pasado 1:00 ng madaling araw at naideklarang fire out pasado 3:00 ng madaling araw.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog.

Nagsimula ang sunog sa Chief Administrative Office sa ikaanim na palapag ng PPL Building.

Tinatayang nasa P800,000 ang halaga ng mga ari-arian ang nasunog.

 

TAGS: BFP, National Archives of the Philippines, sunog, BFP, National Archives of the Philippines, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.