May-ari ng jewelry shop, patay sa pamamaril sa Talisay, Batangas

By Chona Yu September 05, 2021 - 11:41 AM

Patay ang isang 50-anyos na babae na may-ari ng jewelry shop matapos barilin sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas.

Nakilala ang biktima na si Victoria Balba.

Nabatid na nagpanggap na customer ang isang lalaking suspek.

Agad na binaril ng mga salarin si Balba sa ulo dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Tinatayang nasa edad 50 hanggang 55 anyos ang suspek at nakasuot ng putting T-shirt at maong pants.

Tumakas ang suspek sakay ng motorsiklong walang plaka.

Ayon sa mga pulis, walang kinuha ang suspek sa biktima.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis kaugnay sa nasabing insidente.

 

TAGS: Batangas, Jewelry shop, Talisay, Victoria Balba, Batangas, Jewelry shop, Talisay, Victoria Balba

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.