OFW na nabiktima ng pang-aabuso sa abroad, nakauwi sa tulong ng Abizo OFW App

By Chona Yu September 05, 2021 - 11:37 AM

Nakauwi na sa bansa ang isang overseas Filipino worker na nakaranas ng misconduct mula sa kanyang employer sa Fiji Islands.

Nakilala ang OFW na si Almedo ‘Ed’ Lopez.

Nakauwi sa bansa si Lopez base sa tulong ng Abizo OFW App at ng Philippine Overseas Employment Administration.

Ang Abizo OFW App ay isang digital monitoring system na nagmo-momitor sa impormasyon ng mga OFW.

Halimbawa na ang lokasyon kung saan naka-deploy ang isang OFW, ang pagkakakilanlan ng mga employer pati na ang kanilang working at living conditions sa abroad.

Ayon kay Lopez, naka-download sa kanyang cellphone ang Abizo OFW App at doon siya nagsumbong sa mga pang-aabusong naranasan sa kanyang employer na isang bottling company.

Nakaranas si Lopez ng verbal abuse, suspension without due process, forcible “voluntary” acceptance ng 20% pay cut, at 12-hour workdays.

Agad naman na umaksyon ang Abizo OFW App at nakipag-ugnayan sa POEA para mapauwi si Lopez.

Kasabay nito, hinimok ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga OFW na mag-download ng Abizo OFW App para mabilis na makahingi ng tulong kung kinakailangan.

Nabatid na ang Abizo OFW App ay mayroong integrated call center service na mina-manage ng Navigate Global Marketing Asia Inc.

 

 

TAGS: Abizo OFW App, Almedo 'Ed' Lopez, Navigate Global Marketing Asia Inc., ofw, Abizo OFW App, Almedo 'Ed' Lopez, Navigate Global Marketing Asia Inc., ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.