Survey sa Cabuyao, Laguna, itinanggi ng SWS

By Ricky Brozas May 01, 2016 - 04:51 PM

 

SWS SURVEYItinanggi ng Social Weather Stations o SWS na nagsagawa sila ng survey para sa national at local positions sa Cabuyao, Laguna.

Sa kanilang statement ay kinuwestiyon ng SWS ang ‘veracity’ o pagiging tunay ng mga dokumento na ipinamahagi sa Cabuyao at kumalat sa social media.

Ito’y dahil peke umano ang naturang mga dokumento kung saan dinoktor lamang ang logo ng survey firm para ipakalat ang mga malisyosong resulta ng survey sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo, gubernador at Mayor.

Ang fake survey na may pamagat na “Bilang Pilipino mobile survey on voter commitment” na isinagawa mula Abril a-trese hanggang katorse ay unang lumabas nuong April 16.

Ayon sa SWS, isa itong malinaw na halimbawa ng mga kaduda-dudang gawain tuwing panahon ng eleksiyon para linlangin ang publiko.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.