Second highest daily COVID case naitala sa Pilipinas

Aabot sa 20,741 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa ngayong araw, Setyembre 4, 2021.

Base sa talaan ng Department of Health, nasa 2.06 milyon na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus.

Nasa 189 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi habang 21,962 naman ang gumaling.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.6% (157,646) ang aktibong kaso, 90.7% (1,869,376) na ang gumaling, at 1.65% (34,062) ang namatay.

Ito na ang ikalawang pinakamataas na record ng Pilipinas nang magsimula ang pandemya.

Agosto 30 nang makapagtala ang Pilipinas ng pinakamataas na COVID cases na umabot sa 22,366 sa loob lamang ng isang araw.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 2, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 1.5% sa lahat ng samples na naitest at 1.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

 

Read more...