Pinuri ni Senador Bong Go ang ‘Project Kasangga: National Anti-Corruption Coordinating Council’’ ng Presidential Anti-Corruption Commission.
Ayon kay Go, ito ay patunay na walang humpay ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya kontra korupsyon sa pamahalaan.
“This call to action, which includes the whole of government in making sure that good governance is practiced, amplifies the dedication of the Duterte Administration in fighting graft and corruption,” pahayag ni Go.
Nabatid na ang Project Kasangga ay isang anti-corruption coordinating councils na kinabibilangan ng iba’t-ibang government agencies at national anti-corruption coordinating council na pamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Maraming salamat po sa inyong serbisyo upang matupad ang isa sa mga pinakaimportanteng layunin ng pamahalaan na ito – ang sugpuin ang paglulustay sa kaban ng bayan at katiwalian,” pahayag ni Go.
Kahit aniya abala ang pamahalaan sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19, hindi pa rin nakakalimutan ng administrasyon ang pagsawata sa koruspyon.
“Nitong nakaraang taon, nakatutok po ang gobyerno sa paglaban sa COVID-19 at pagtulong sa ating mga kababayan para makaahon sa kasalukuyang pandemya. Ngunit hindi po nangangahulugan na hindi na tuloy ang laban natin sa korapsyon,” pahayag ni Go.