Floyd Mayweather Jr., bukas sa posibilidad na bumalik sa boxing ring

 

Inquirer file photo

May posibilidad na sumabak muli sa boxing ring ang American boxer na si Floyd Mayweather Jr.

Pero ang kundisyon, ito ay kung may ‘nine-figure’ payday na iaalok sa kanya para bumaligtad sa retirement.

Matatandaang nagretiro si Mayweather walong buwan na ang nakalilipas, sa perfect record na 49-0.

Sinabi ni Mayweather na masaya naman siya sa kanyang retirement, subalit hindi niya isinasara ang pintuan sa posibilidad na magbalik sa pagkikipagsagupa sa ring.

Maalalang tinalo ni Mayweather si Filipino Boxing Icon at Saranggani Rep. Manny Pacquiao noong 2015 boxing match nila, na ikinukunsiderang may pinakamalaki itinabo o kinita sa boxing history.

Si Pacquiao ay nag-anunsyo na rin ng retirement, at ngayo’y kandidato sa pagka-Senador.

Read more...