10 Indonesians, pinalaya na ng Abu sayyaf

By Ricky Brozas May 01, 2016 - 04:09 PM

 

File photo

Pinalaya na kaninang tanghali (May 1) ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang sampung mga Indonesian na kanilang binihag sa Sulu kamakailan.

Ang balita ay kinumpirma ni Supt. Wilfredo Cayat, Police Chief sa Sulu.

Ayon kay Cayat, may mga hindi kilalang tao diumano ang nagbaba sa sampung Indonesians sa harap lamang ng bahay ni Sulu Governor Abdusakur Tan.

Kaagad na dinala ang mga ito sa loob ng bahay ni Tan kung saan kagyat naman na tumawag ang gubernador sa pulisya para sa pag turnover sa kostodiya ng mga bihag.

Wala namang binanggit si Cayat kung binayaran ba ang ransom na hinihingi ng bandidong grupo para sa paglaya ng mga dayuhan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.