Monsoon trough, umiiral sa Kanlurang bahagi ng Luzon – PAGASA

DOST PAGASA satellite image

Umiiral ang monsoon trough sa Kanlurang bahagi ng Luzon.

Ngunit ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, wala na itong dalang malawakang pag-ulan sa anumang bahagi ng bansa.

Bunsod nito, magiging maaliwalas ang panahon sa buong kalupaan ng bansa.

May tsansa lamang aniya ng mga panandaliang pag-ulan dahil sa thunderstorm.

Samantala, mayroong tinututukang cloud cluster ang weather bureau sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ani Clauren, maari itong pumasok sa teritoryo ng bansa bilang Low Pressure Area (LPA).

Hindi rin aniya inaalis ang posibilidad na maging bagyo ang namumuong kaulapan.

Base sa pinakahuling analysis, maari itong magdala ng pag-ulan sa bahagi ng Mindanao sa mga susunod na araw.

Read more...