P10-M suhol ng testigo laban sa kanya, patunay ng ‘perjury’ – de Lima

By Jan Escosio September 03, 2021 - 05:47 PM

Ipinunto ni Senator Leila de Lima ang ipinagdidiinan niyang kawalan ng kredibilidad ng isa sa mga ginamit na testigo sa laban sa kanya, si Herbert Colangco.

Kasunod ito ng pag-amin aniya ng anak at abogado ni Colangco na nagbayad sila ng P10 milyon para ‘maayos’ ang robbery case nito.

Nasentensiyahan si Colangco ng mga kasong robbery at robbery with homicide.

“Recently, it was reported, as admitted by his daughter and lawyer, that Herbert Colanggo—a prosecution witness against me—paid 10 million pesos to ‘fix’ his robbery case. Patunay lang ito sa kawalan niya ng kredibilidad. Ganito bang klase ng testigo, na pinapaareglo ang kaso, ang paniniwalaan ng Korte ang testimonya laban sa akin?,” tanong ng senadora.

Kaya’t giit nito, “Gaya ng sinabi ko noon, kargado ng kasamaan ang mga testigo laban sa akin. Maaaring nakinabang o tinakot sila.”

Kamakailan ay naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) si Herajen Colangco sa isang entrapment operation sa DSWD base sa reklamo ni Usec. Aimee Neri na kinikilan siya ng P3 milyon para sa isang kaso na may kinalaman sa lupa.

Noong Abril, nakapagpalabas ng ‘self-video’ si Colangco mula sa kanyang selda sa Camp Aguinaldo at sinabi nitong nanganganib ang kanilang buhay.

Ayon kay de Lima, patunay lang ito na nakakatanggap ng special treatment si Colangco bilang testigo ng Department of Justice (DOJ) dahil nakakagamit ito ng cellphone at may internet access.

TAGS: DeLima, HerbertColangco, InquirerNews, leiladelima, RadyoInquirerNews, DeLima, HerbertColangco, InquirerNews, leiladelima, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.