Text message na nagbabanta sa mga botante, kumakalat sa Calbayog City

By Ricky Brozas May 01, 2016 - 04:07 PM

 

Screengrab

Kumakalat ngayon ang text messages sa Calbayog City, Western Samar kung saan binabantaan ang mga botante.

Sa katunayan ay ipinakalat naman ng ibang mga nakatanggap ng text message sa social media o facebook ang laman ng mensahe sa pamamagitan ng screen grab na nagsasabing ang Samar ay para lamang kay Sarmiento at Zosa at huwag iboto si Duterte.

Ang tinutukoy sa text ay ang dapat na iboto lamang ng mga taga Samar ay si Engineer Edgar Sarmiento na kapatid ni DILG Secretary Mel Senen Sarmiento at retired military Officer Emilio Zosa.

Nakasaad din sa mensahe na kapag hindi sumunod sa utos na iyon ay isang bala lang ang katapat ng botante.

Isa pang kumakalat na text message mula din sa numerong 0998-9682081 kung saan nakasaad ang “Vote: Zosa, Sarmiento, Aquino…or else leave Samar #notoDuterte!!!”.

Ang tinutukoy naman na Aquino sa text ay ang reelectionist Mayor ng Calbayog City na Ronald Aquino.

Pawang mga miyembro ng liberal party sina Zosa, Sarmiento at Aquino.

Nabatid na ilang araw pa lamang makalipas ang paghahain ng Certificate of Candidacy para sa mga lokal na kandidato ay sunod-sunod na ang insidente ng mga pagpatay sa naturang lungsod na kilala bilang liberal country.

Dalawang partido lamang ang mahigpit na nagtutunggalian tuwing halalan sa Calbayog City, ito ay ang Liberal at Nacionalista Party.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.