Paalala pa ng ARTA sa PhilHealth, hindi maaring gawing katuwiran sa ‘backlog’ sa claims ang nararanasang pandemya.
Ang pahayag na ito, ayon kay ARTA Dir. Gen. Jeremiah Belgica, ay bunsod ng mga batikos sa PhilHealth dahil sa hindi agad na pagbabayad sa reimbursement claims ng mga pampubliko at pribadong ospital.
Kamakailan, nakipagpulong si Belgica sa pamunuan ng PhilHealth at pinaalalahan niya ang mga ito na mahigpit na sundin ang 60-day period para sa pagsusumite ng ulat sa Commission on Audit (COA) ng kanilang cash advances.
Pagdadahilan naman ng mga opisyal ng PhilHealth bago magkaroon ng pandemya ay naaayos nila ang liquidation ng cash advances ng hanggang 40 araw, ngunit hindi na nila nagawa dahil sa pag-lockdown ng maraming lugar.
Sinabi ni Belgica na naiintindihan naman niya ang taga-PhilHealth sa kanilang trabaho ngunit diin niya, dapat maghanap ng mga solusyon dahil ang lahat naman ay apektado ng pandemya.
“Lahat tayo ay nasa pandemya. Matagal na tayong nandito. Hanggang kailan natin gagamitin na rason ‘yan?” tanong lang ni Belgica.