Kahapon kasi (April 30), hindi pa pinangalanan ni Velarde kung sinong presidential bet o iba pang kandidato ang susuportahan ng El Shaddai sa pagtitipon ng kanilang mga miyembro.
Sa halip, hinimok ni Velarde ang El Shaddai members na sagutan ang survey ballots, upang malaman ang pulso ng bawat isa.
Sa balota, nakasaad ang tanong na kung sino ang iboboto nila sa pagka-pangulo, kung saan makikita ang pangalan ng limang kandidato na sina Vice President Jejomar Binay, Senators Grace Poe at Miriam Defensor-Santiago, Davao Mayor Rodrigo Duterte, at dating DILG Sec. Mar Roxas.
Sa pagka-bise presidente, ang mga pagpipilian ay sina: Camarines Sur Rep. Leni Robredo, Senators Alan Peter Cayetano, Francis Escudero, Gringo Honasan, Bongbong Marcos, at Antonio Trillanes IV.
Sina Binay, Poe at Roxas, maging sina Marcos, Escudero at ilang senatoriables ay dumalo sa overnight prayer vigil na ginanap sa Amvel Park sa Paranaque City.
Binigyan din ng pagkakataon ang mga kandidato na magtalumpati sa harap ng El Shaddai members.
Ayon kay Velarde, siya mismo ay pipili sa hanay ng mga kandidato, habang ibabahagi rin niya ang pasya ng kanyang mga kasama sa El Shaddai.