Mayor Moreno, target ang dagdag pang housing projects para sa informal settlers
Target ni Manila City Mayor Isko Moreno na magtayo ng dagdag pang public housing projects para sa informal settlers sa lungsod.
Kabilang sa mga housing project na nakatakdang itayo ay ang Phase 2 ng Basecommunity public housing project.
“Ngayon, nais kong i-share sa inyo, sabi sa inyo hangga’t may katas ang bimpo, pipigain ko, mabigyan lang kayo muli ng dignidad sa pamumuhay,” pahayag ng alkalde.
“‘Wag kayong mag-alala, may Phase 2 na ang Basecommunity… lahat ‘yan hangga’t nandito ako, hindi ako titigil maayos ko lang ang buhay ninyo. Sunud-sunod ‘yan,” dagdag nito.
Idiniin ni Moreno ang pangangailangan nito para mapangalagaan ang kanilang komunidad.
“Kaya yung disiplina ipinatutupad. Itinuturo sa tao para umangat rin yung pananaw ng tao sa buhay,” ani Moreno.
Ang BaseCommunity ay may 229 two-story units kung saan bawat isa nito ay may lawak na 42 square meters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.