FDA, binigyan na ng EUA ang Moderna COVID-19 vaccine para sa mga may edad 12 hanggang 17

Manila PIO photo

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang application for amendment sa emergency use authorization ng moderna vaccines.

Ito ay para magamit na ang bakuna sa mga kabataan na nag-eedad 12 hanggang 17-anyos.

Ayon kay FDA director general Undersecretary Eric Domingo, dalawang linggo na ang nakalilipas nang mag-apply ng pag-amyenda sa kanilang EUA ang Moderna at matapos ang masusing evaluation ng vaccine expert panel at regulatory experts, ay inaprubahan na ito.

Ayon kay Domingo, ang kailangan lang masusing bantayan ay ang madalang na kaso ng Myocarditis sa mga kabataan.

Samantala, kaugnay naman ng tatlong batches ng Moderna vaccines na iniimbestigahan sa Japan dahil sa umano’y nahalong steel component nito, sinabi ni Domingo na hindi naman ito nasali sa mga na-deliver dito sa bansa.

Ayon kay Domingo, base sa kanilang imbestigasyon, walang findings na nagpapakitang may epekto sa kaligtasan at bisa ang Moderna vaccine batches na nakuha ng Pilipinas.

Pinapayuhan na lamang ni Domingo ang mga vaccinator na suriin munang mabuti ang vials ng bakuna bago ito iturok sa publiko.

Read more...