‘Overpriced’ ambulances ng DOH, kinuwestiyon ni Sen. Ping Lacson
Hihingian ni Senator Panfilo Lacson ng matibay na pangangatuwiran ang Department of Health (DOH) kaugnay sa ikinukunsiderang ‘overpriced’ na mga ambulansiya.
Ayon kay Lacson, P2.5 milyon ang pagkakabili ng DOH samantalang ang katulad na unit ng ambulansiya na binili ng mga lokal na pamahalaan ay mura ng halos P1 milyon.
Nabatid na 98 ambulansiya ang binili ng DOH na ipinamahagi sa CALABARZON pa lamang.
Diin niya, ang malaking pagkakaiba ng presyo ay mahirap palagpasin at sa bawat tatlong ambulansiya na binili ng DOH ay dapat nakabili ng lima.
Sinabi ni Lacson na babanggitin niya ang isyu sa ‘overpriced’ ambulances sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa susunod na linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.