Mass transportation sa bansa, pinatututukan sa susunod na administrasyon

By Ricky Brozas May 01, 2016 - 01:42 PM

mrt-0823Mass transportation sa bansa umano ang isa sa mga dapat tutukan ng susunod na administrasyon.

Iyan ang sinabi ni Land Tranportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Board Member Ariel Inton sa harap ng mainit na isyu ngayong eleksiyon hinggil sa kakulangan ng maayos at dekalidad na uri ng transportasyon sa bansa.

Ayon kay Inton, tila mas malaking isyu na ngayon ang pagkakaroon ng mass transportation kaysa sa usapin ng korapsyon at kahirapan.3

Ito aniya ang dahilan kung bakit sa mga political rallies at debates ay lagi inaasam-asam marinig ng mga tao ang punto ng mga kandidato lalo sa mga national positions sa pananaw nila sa kahalagahan ng mass public transportation at kung ano ang balak nila para maisaayos ito.

Sinisimbolo kasi ng mass transportation ang araw-araw na kilos ng mamamayan.

Lahat halos aniya ng botante ay sumasakay sa mga public transport higit lalo ang mga naghahanap-buhay.

At kahit yung may mga may private cars ay apektado dahil kung may aberya ang mga pampublikong transportasyon ay damay ang lahat na nasa mga lansangan.

 

TAGS: mass transportation system, mass transportation system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.