Imbestigasyon ng Senado sa pagbili ng DBM ng medical supplies, pamumulitika lang ayon kay Pangulong Duterte

By Chona Yu September 03, 2021 - 10:49 AM

Pulitika ang nakikitang motibo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ginagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee sa pagbili ng Department of Budget and Management sa mga medical supplies.

Binubusisi kasi ng Senado ang umanoý overpriced na pagbili ng pamahalaan sa medical supplies na ginamit sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19.

Ayon sa Pangulo, hindi na in aid of legislation ang ginawa ni Gordon kundi in aid of personal political interest.

“I heard that you want to run for vice president next year, and you are trying to impress the opposition that they would consider you. Totoo ba ito, Secretary Gordon? Alam mo, tatakbo rin ako. Kung mag-usap lang tayo, puwede namang ikaw ang maging vice president kung karapat-dapat ka. So, I would know if you talk to me about your political plans lalo na ‘yung vice presidency, eh ako naman nag-announce na. Kung interesado ka, makipag-usap ka at tingnan natin kung karapat-dapat ka ba,” pahayag ng Pangulo.

 

TAGS: Pangulong Duterte, red cross, Richard Gordon., Pangulong Duterte, red cross, Richard Gordon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.