Huling miting de avance ng mga Presidentiable, kasado na

By Isa Avendaño-Umali May 01, 2016 - 01:36 PM

Santiago-Duterte-Binay-Roxas-and-Poe-presidential-debateKasado na ang kabi-kabilang miting de avance ng mga kandidato sa pagka-Pangulo, bago ang May 9 elections.

Ayon sa kampo ni Vice President Jejomar Binay, isasagawa ang miting de avance ng bise presidente sa Makati City sa May 7, alas-singko ng hapon.

Si Senadora Grace Poe naman, balik-Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila para sa kanyang miting de avance.

Ayon kay Cebu Rep. Ace Durano, makakasama ni Poe sa miting de avance ang mga kaalyado niya sa Partido Galing at Puso.

Ang miting de avance naman ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay gagawin sa Luneta park, ganap na alas-singko ng hapon din.

Bansag ng mga supporter ni Mayor Digong sa huling campaign acitivity ay “Occupy Luneta Tagumpay ng Bayan Miting de Avance.”

Pero bukod dito, may isang event din sa Crocodile Park sa Davao City para kay Duterte.

Ang kampo naman ni Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas at Senadora Miriam Defensor Miriam Santiago ay wala pang kumpirmasyon kung kailan at saan ang kani-kanilang miting de avance.

February 09, nag-umpisa ang campaign period para sa mga presidential bet, maging mga kandidato sa pagka-Bise Presidente, Senador at Partylist groups, at magtatapos sa May 07.

 

TAGS: #VotePH2016, Miting de Avance, #VotePH2016, Miting de Avance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.