Mangingisda na Ramon Magsaysay Award recipient pinuri ni Sen. Cynthia Villar

Todo papuri si Senator Cynthia Villar sa mangingisdang si Roberto ‘Ka Dodoy’ Ballon sa pagkakatanghal sa kanya bilang isa sa mga tatanggap ng Ramon Magsaysay Award.

Ayon kay Villar nagsisilbi ngayon inspirasyon ang tubong Zamboanga Sibugay na mangingisda dahil sa kanyang mga nagawa lalo na sa pangangalaga sa kalikasan.

“Ka Dodoy serves as an inspiration and role model to fisherfolks and all Filipinos that genuine concern for other’s welfare and for the environment combined with a determination to do something is not only personally rewarding but will be rewarded and recognized as well,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Agriculture.

Ibinahagi ng senadora na noong 1986, binuo ni Ballon at ng 30 pang kasamang mangingisda ang Kapunungan sa Gamay nga Mangingisda sa Concepcion at agad nilang sinagip ang mangrove forests sa bayan ng Kabalasan, kung saan naging talamak ang fishponds na sumira sa mga mangrove.

Ngunit aniya sa pagpupursige ng grupo ni Ka Dodoy nakasagip sila ng 500 ektarya ng inabandonang fish ponds at napangalagaan pa nila ang baybayin.

Sa pangunguna din ni Ka Dodoy ay dumami din ang nahuhuling isda ng mga lokal na mangingisda sa mas maigsing oras sa laot.

“There are really huge benefits in protecting mangroves forests. Mangroves are not only the best protection against storm surges particularly in coastal communities. They also serve as nesting grounds of fishes, it is where they lay eggs. So fish catch really improves when mangroves are protected,” sabi pa ni Villar na namumuno din sa Senate Committee on Natural Resources at aktibo sa pagtatanim at pagbibigay proteksyon sa mangroves sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park.

Read more...