Sen. Win Gatchalian sinabing uubra siya sa 2022 vice presidential race

By Jan Escosio September 03, 2021 - 08:56 AM

Senate PRIB photo

Hindi itinanggi ni Senator Sherwin Gatchalian na maari siyang sumabak sa vice presidential race sa 2022 elections.

Kasunod ito nang pagbanggit sa kanyang pangalan ni Davao City Mayor Sara Duterte sa isa sa mga itinutulak na kanyang maging running mate.

Una nang inamin ni Gatchalian na napag-usapan na nila ni Duterte ang kanyang plano.

“As mentioned before, if given the chance, my experience and track record as local chief executive can be utilized in nation building in a role in the executive department,” ang sagot ni Gatchalian.

Dagdag pa niya; “That is why I humbly tendered my name as potential running mate to Mayor Sara Duterte, if she so decides to run.”

Unang nagsilbing alkalde ng Valenzuela City ng siyam na taon, bago naging miyembro ng Kamara ng anim na tao at kasunod nito ay nahalal na siyang senador noong 2016.

Miyembro ng Nationalist People’s Coalition si Gatchalian at chairman nila si Senate President Vicente Sotto III, na idineklara na ang pagkandidato sa vice-presidential election.

Ayon kay Gatchalian hihintayin na lamang niya ang desisyon ni Duterte.

TAGS: Davao City Mayor Sara Duterte, Sherwin Gatchalian, vice presidential race., Davao City Mayor Sara Duterte, Sherwin Gatchalian, vice presidential race.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.