Nawalang miyembro ng Dragon boat team, natagpuang wala nang buhay

By Isa Avendaño-Umali May 01, 2016 - 12:30 PM

philippine dragon boat teamNatagpuan na subalit wala nang buhay ang isang miyembro ng dragon boat team na nawala matapos ang isang training accident sa Manila Bay.

Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG, nakita ang bangkay ng biktimang si Jerome Tipon na palutang-lutang malapit sa Manila Yacht Club dakong 1:20 ng madaling araw ng Linggo.

Sinabi ng PCG na may isang gwardiya ng yacht club ang nakadiskubre sa labi ni Tipon, at agad na ipinaalam ito sa Manila Police District.

Si Tipon ay miyembro ng Alag Sagwan dragon boat team.

Nawala ang biktima matapos lumubog ang bangka ng team sa kasagsagan ng kanilang training sa Manila Bay noong Sabado.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.