Limang miyembro ng K-pop group ENHYPEN, positibo sa COVID-19

By Angellic Jordan September 02, 2021 - 06:38 PM
Photo credit: BELIFT LAB website

Nagpositibo sa COVID-19 ang limang miyembro ng K-pop group na ENHYPEN.

Sa inilabas na pahayag sa WeVerse, sinabi ng management ng grupo na Belift Lab kabilang sa mga tinamaan ng nakakahawang sakit sina Jungwon, Heeseung, Jay, Jake at Sunghoon.

Agad sumailalim ang grupo sa preemptive self-quarantine simula noong Huwebes, August 26, matapos magkaroon ng contact sa isang kumpirmadong kaso sa isang production site.

Sa gitna ng kaniyang self-quarantine, nagsimulang makaramdam si Jake ng sintomas ng COVID-19, kasama ang ubo at lagnat noong Linggo, August 29.

Matapos i-report ang kaniyang sintomas sa local government health center, isinailalim si Jake sa PCR testing.

Dito na nakumpirmang positibo sa COVID-19 si Jake noong Lunes ng umaga, August 30.

Kalaunan, nagkaroon na rin ng kaparehong sintomas sina Jungwom, Heeseung, Jay at Sunghoon kaya’t sumailalim din agad sa PCR testing at nalamang positibo rin sa nakakahawang sakit..

“Following instructions from health authorities the necessary measures are being carried out, including assignment and relocation to treatment facilities; the members are currently showing light symptoms.” saad pa ng Belift.

Humingi naman ng tawad ang management sa mga tagahanga ng grupo.

Tiniyak ng management na ibibigay nila ang buong suporta para sa mabilis na paggaling ng mga miyembro ng K-pop group.

Sinabi rin ng Belift na patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga kahilingan at panuntunan ng government health authorities.

TAGS: COVIDpositive, ENHYPEN, InquirerNews, RadyoInquirerNews, COVIDpositive, ENHYPEN, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.