92 porsyento ng mga pulis, nabakunahan na vs COVID-19; 2 pa, nasawi
Nasa kabuuang 101,302 personnel o 45.46 porsyento ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Base pa sa datos, 103,276 naman o 46.34 porsyento ng kanilang hanay ang naghihintay ng second dose ng bakuna.
“We are hoping that by the end of this month all PNP personnel will be already vaccinated against the Covid-19,” pahayag ni PNP Chief, Police General Guillermo Eleazar.
Dagdag nito, “Sa ngayon mayroon na lang tayong 8.20% o 18,279 na pulis at non-uniformed personnel ang naghihintay na mabakunahan.”
Samanatala, nasa 219 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa PNP Health Service.
Sa datos hanggang sa araw ng Huwebes (September 2), 34,844 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 2,022 ang aktibo pang kaso.
215 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 32,844 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Dalawa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 106 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.