Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 219.28 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 219.28 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 219,283,660 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 40,330,712 cases.

Sumunod na rito ang India na may 32,857,937 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 20,804,215 naman ang kaso sa Brazil habang 6,937,333 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 6,825,074
– France – 6,783,329
– Turkey – 6,412,277
– Argentina – 5,190,948
– Iran – 5,025,233
– Colombia – 4,911,082
– Spain – 4,861,883
– Italy – 4,546,487
– Indonesia – 4,100,138
– Germany – 3,970,033
– Mexico – 3,369,747

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,545,457 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 196,074,845 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...