P0.20 hanggang P1 dagdag presyo sa ilang pangunahing bilihin ok sa DTI

By Chona Yu September 02, 2021 - 01:16 PM

Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit ng mga negosyante na magdagdag sa presyo ng kanilang mga produkto.

Sinabi ni Usec. Ruth Castelo, 76 produkto, kabilang ang ilang pangunahing bilihin tulad ng kape, gatas at noodles, ang magkakaroon ng pagtaas sa presyo mula 20 sentimos hanggang P1.

Aniya isang brand ng corned beef ang pinayagan nila na tumaas ng P2 ang presyo.

Tataas din ang halaga ng ilang non-food items kasama na ang mga sabon.

Paliwanag pa ni Castelo, noon pang 2019 humihirit ang mga negosyante na magtaas ng presyo pero pinigilan ito ng kagawaran dahil sa pandemya sa COVID-19.

Dagdag pa niya hindi naman maaring pigilan ang pagtataas ng presyo dahil maaring magdulot ito ng pagsasara o pagkalugi ng isang kompaniya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.