Walang indikasyon na nakalabas na ng bansa si ex-DBM official Lao – Palasyo
Walang indikasyon na nakalabas na ng bansa si dating Budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao.
Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang sa gitna ng hirit ni Senador Richard Gordon na magpalabas na ng hold departure order laban kay Lao dahil sa tangkang pag-alis ng bansa.
Kinukwestyun si Lao dahil sa pagbili ng DBM sa umano’y overpriced na mga personal protective equipment sa kompanyang Pharmally Pharmaceuticals na konektado ng negosyanteng Chinese na si Michael Yang.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakausap lamang niya sa telepono si Lao, Huwebes ng umaga (September 2), at wala namang indikasyon na nakaalis na ng bansa.
Ayon kay Roque, napag-usapan nila ni Lao ang quote ng mga supplier ng PPE.
Sinabi pa ni Roque na maari namang gawin ng Senado kung ano ang nais na gawin nito at kung magpapalabas ng hold departure order laban kay Lao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.