Teroristang sangkot sa tangkang pagdukot kay Kris Aquino, naaresto
Arestado ang isa umanong terorista na dawit sa tangkang pagdukot sa Presidential sister na si Kris Aquino at paglulunsad ng bomb attacks sa kalakhang Maynila.
Ang suspek ay kinilalang si Reynaldo Vasquez Ilao, na taga- Block 5, Lot 42, Zenia Street, Elvinda Village sa Barangay Nueva, San Pedro, Laguna.
Nahuli si Ilao noong April 26, sa ginawang operasyon ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group at Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines.
Kabilang sa mga nasabat mula kay Ilao ay isang .45-caliber pistol at isang granada.
Kumpiskado rin ang cellphone ng suspek, na gagamitin ng mga otoridad para makakuha ng ilang posibleng impormasyon.
Si Ilao ay miyembro umano ng grupo ni Rajah Sulayman Movement leader Mikhail Abrera alyas Abdul Asiz, na naaresto naman ng mga otoridad sa isang checkpoint sa Zamboanga City noong April 16.
Nauna nang isiniwalat ni Pangulong Noynoy Aquino na mayroonng bantang dukutin si Kris o isa sa mga anak nito, maging si Saranggani Rep. at Filipino Boxing Icon Manny Pacquiao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.