Sen. Frank Drilon kay Sec. Harry Roque: Magpakalalaki ka…

By Jan Escosio September 02, 2021 - 12:09 PM

Hinamon ni Senate Minority Leader Frank Drilon na magpakalalaki na aminin na kailangan talagang maimbestigahan ang mga biniling medical supplies ng Department of Health (DOH) at Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Sa isang panayam, hinikayat din ni Drilon si Roque na basahin at intindihin ang batas kaugnay sa dapat na puhunan ng isang kompaniya para makakuha ng mga kontrata, kasama na ang sa gobyerno.

“You should be man enough to know that when a P625,000 company would be awarded supply contracts of over P6.7 billion in two months time, there was a whiff corruption that you should be man enough to admit that merits an investigation,” diin ni Drilon.

Una nang sinabi ni Roque na hindi isyu ang puhunan ng kompanya basta naidedeliber nito ang mga napagkasunduan sa kontrata.

Kinuwestiyon din ni Drilon ang ‘timing’ ng pahayag ni Roque na mas mahal pa ang mga biniling personal protective equipment (PPE) noong administrasyong-Noynoy Aquino.

Pagdidiin ng senador hindi kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang mga biniling PPE at aniya; You cite the purchases by the Department of Health during the Aquino administration. That was five years ago, sir. We are now in 2021.”

Aniya hindi dapat madiskaril ang atensyon sa isyu ng ‘overpriced’ medical supplies na binili ng DOH at PS-DBM sa simula nang pagkalat ng COVID 19 noong nakaraang taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.