2 sugatan sa sunog sa Muntinlupa

By Isa Avendaño-Umali May 01, 2016 - 08:54 AM

Map-of-Muntinlupa-CityHindi bababa sa dalawang daang pamilya ang apektado ng naganap na sunog sa Muntinlupa City, Sabado ng gabi.

Ang sunog ay sumiklab sa Bagong Paraiso compound, Barangay Bayanan dakong 9:37 ng gabi.

Sa laki at lawak ng sunog, iniakyat ito sa Task Force Charlie at naideklarang under control pasado alas 12:33 ng madaling araw ng Linggo.

Aabot sa isang daang bahay ang nasunog, samantalang dalawang tao ang sugatan, kabilang na ang isang fire volunteer.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang kabuuang nasirang ari-arian.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.