Batas ng bagong charter para sa OWWA, lalagdaan na ni PNoy

By Isa Avendaño-Umali May 01, 2016 - 08:30 AM

OFW-passportNakatakdang lagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang isang panukalang batas na bubuo ng isang bagong charter para sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

Ang naturang panukala ay consolidation ng House Bill 4990 at Senate Bill 2955.

Kapwa naratipikahan ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report ng panukala noong February 02, 2016.

Ayon kay Tarlac Rep. Susan Yap, ponente ng House Bill 4990, ang panukalang batas ay layong bumuo ng ‘clear-cut guidelines’ hinggil sa procedures para sa OWWA membership registration at renewal.

Sa oras din aniya na maging ganap na batas ang panukala, tiyak na mayroon nang operative budget ang OWW para suportahan at protektahan ang mga OFW at mga pamilya nila.

Sa ilalim pa nito, ang OWWA Secretariat ay itatatag bilang implementing arm ng OWWA, at pamumunuan ng isang administrator at chief executive officer, habang mayroon ding dalawang deputy administrators.

Kukumpleto sa grupo ang OWWA board of trustees na may labing dalawang miyembro, na siyang chaired ng Labor Secretary.

Kabilang sa mga serbisyong ipagkakaloob ay reintegration ng OFWs, repatriation assistance, loan at credit assistance, workers assistance at on-site services, social benefits gaya ng death, disability at health care, at educational at training benefits.

 

TAGS: OWWA, OWWA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.