Ilang opisina sa Pasig City Hall ipinasara ni Mayor Vico Sotto dahil sa COVID 19 cases

By Jan Escosio September 01, 2021 - 07:29 PM

Inanunsiyo ngayon gabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagsara ng ilang tanggapan sa kanilang city hall dahil sa mga kawani na nahawa ng COVID 19.

“We have locked down several offices at City Hall, including the City Administrator’s Office. due to several staff members testing positive for COVID,” ang post ni Sotto sa kanyang Facebook account.

 

Kaugnay nito, humingi ng pang-unawa ang opisyal dahil sa pag-lockdown sa ilan sa kanilang mga tanggapan.

 

“Hindi pa normal ang trabaho sa City Hall..tapos ngayon napilayan na naman tayo. Pagod na tayo. Pero kakayanin natin to. Laban lang ng laban, mga Pasigueño!” ang panghihikayat ni Sotto sa kanyang mga kababayan.

 

Nabatid na hanggang kahapon, Agosto 31, may 2,030 active cases sa lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.