Higit 76,000 nag-apply para sa TESDA scholarship programs

By Jan Escosio September 01, 2021 - 07:20 PM

Inanunsiyo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)na humigit sa 76,000 ang natanggap nilang scholarship applications sa ikinasa na three-day National TVET Enrollment noong nakaraang linggo.

Base sa paunang datos, 76,355 ang nagsumite ng kanilang scholarship programs ng ahensiya.

Isinagawa aang enrollment para sa mga Filipino high school graduates, na may edad 15 pataas, na nais ng libreng technical-vocational trainings.

May mga TESDA regional at provincial offices na nagsagawa ng face-to-face setup alinsunod sa umiiral na quarantine restrictions sa lugar.

Sinabi ni TESDA Deputy Dir. Isidro Lapeña kapag tinawagan na ang mga aplikante, sila naman ay tutulungan sa kanilang enrollment sa kinauukulang training centers.

Aniya itinuturing na nilang tagumpay ang malaking bilang ng mga aplikante kasabay na rin ng pagdiriwang ng ika-27 taon ng TESDA at National Tech-Voc Day.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.