Pacquiao handang mag-imbestiga, Go handang magpa-imbestiga
Sinabi ni Senator Manny Pacquiao na handa niyang imbestigahan ang anuman reklamo o isyu na kinasasangkutan ng mga kapwa niya senador.
Si Pacquiao ang namumuno sa Senate Ethics Committee.
Pagtitiyak nito na kapwa magkakaroon ng pantay na oportunidad na magpaliwanag ang magkabilang panig.
Samantala, nagpahayag naman ng kanyang kahandaan si Sen. Christopher Go na sagutin ang anuman ihahain sa kanyang reklamo sa Senate Ethics Committee.
“Kung gusto nila akong imbestigahan, imbestigahan po nila. Wala rin akong kinakatakutan dahil alam kong wala akong ginawang mali, lalo na pagdating sa disorderly o unethical behavior na sakop ng komiteng iyan,” sabi ni Go.
Diin niya inirerespeto niya ang Senado bilang institusyon at umaasa siya na magkakaroon ng ‘due process’ sakaling may maghain ng reklamo laban sa kanya.
Una nang iginiit ni Go na handa siyang magbitiw sakaling mapatunayan na sangkot siya sa anuman uri ng korapsyon.
Sina Pacquiao at Go ay magkasama sa PDP-Laban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.