6 Metro Manila LGUs umabot sa deadline ng ECQ ayuda distribution

Anim lamang sa 17 lokal na pamahaalan sa Metro Manila ang nakumpleto ang pamamahagi ng ECQ ayuda hanggang kahapon, ang unang itinakdang deadline ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito ang ibinahagi ni Usec. Jonathan Malaya, ang tagapagsalita ng DILG at aniya ang anim ay ang mga lungsod ng Maynila, Quezon, Pasig, Malabon, Caloocan at Navotas.

Aniya hanggang kahapon, 94.73 porsiyento o 10,663,537 ng mga benipesaryo ang nakatanggap na ng tulong pinansiyal.

Dagdag pa ni Malaya, limang porsiyento na lang inilaan pondo ang hindi pa naipamahagi at ang mga hindi naisama sa listahan ay maari pa rin naman mabigyan ng ayuda.

Paliwanag niya binigyang kapangyarihan ang mga lokal na opisyal na kilalanin ang mga umapila sa mga binuong Grievance and Complaints Committee para sila ang pagbigyan ng mga hindi kumuha ng ayuda.

Paglilinaw lang niya hindi lahat ng mga umapila ay awtomatikong mabibigyan ang cash aid.

Read more...