Palasyo, pinabulaanang overpriced ang mga biniling PPE sa ilalim ng administrasyong Duterte

By Chona Yu September 01, 2021 - 02:53 PM

Pinabulaanan ng Palasyo ng Malakanyang na overpriced ang mga biniling personal protective equipment sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa P1,700 lamang ang mga biniling PPE habang nasa kasagsagan ng pandemya sa COVID-19.

Mas mataas ito sa P3,000 na PPE na binili sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong 2015 at 2016.

Aabot sa P8.6 bilyon ang ginastos ng Duterte administrasyon para sa pagbili ng PPE, face mask, face shield sa Pharmally Pharmaceuticals.

Tanong ni Roque, bakit hindi busisiin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kanyang mga kakampi sa Liberal Party.

Sinabi pa ni Roque na tiyak na may kumita noon pero ang tiyak ay hindi ang kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay Roque, presyo at kalidad ang pinagbasehan ng administrasyong Duterte sa mga biniling PPE.

TAGS: HarryRoque, InquirerNews, PPE, RadyoInquirerNews, HarryRoque, InquirerNews, PPE, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.