Lagpas 4.53 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,534,010 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 657,910.
Sumunod na rito ang Brazil na may 580,525 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 439,054 naman ang death toll sa India habang 259,326 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 198,295
– Russia – 183,224
– Indonesia – 133,023
– United Kingdom – 132,535
– Italy – 129,221
– Colombia – 124,945
– France – 114,444
– Argentina – 111,812
– Iran – 107,794
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 218,558,757 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 195,394,110 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.