Gobyerno nagbigay ng bilyong-bilyong pisong kontrata sa ‘wanted persons’ – Sen. Risa Hontiveros

By Jan Escosio September 01, 2021 - 01:04 PM

Ibinunyag ni Senator Risa Hontiveros na ang mga may-ari ng Pharmally Pharmaceutical, na nakakuha ng kontrata para sa ‘overpriced’ masks at face shields, ay pawang nahaharap sa mga kaso sa Taiwan.

Tinukoy ni Hontiveros si Huang Wen Lie, alias Tony Huang, chairman ng Pharmally Intl. Holdings ay pinaghahanap ng batas dahil sa securities fraud, stock manipulation at embezzlement.

Ang kanyang anak na si Huang Tzu Yen, incorporator sa Pharmally Pharma at Pharmally Biological, ay wanted sa kasong stock manipulation.

Binanggit pa ni Hontiveros na ang nakakabatang Huang ay noon pang Disyembre pinaghahanap ng Ministry of Justice Investigation ng Taiwan ngunit noon lang nakaraang Hunyo ay may purchase order pa ito.

Nakakapagtaka aniya na hindi nalaman ni dating Budget Usec. Christopher Lloyd Lao ang ‘background’ ng mga may-ari ng Pharmally.

Sinabi pa ng senadora ang isa sa incorporators ng Pharmally ay ang kompanyang Full Win Group ni Zheng Bingqiang, na wanted din sa stock manipulation.

At Full Win Company dito sa Pilipinas ay pinamumunuan ni Michael Yang, malapit na kaibigan ni Pangulong Duterte at itinalagang Presidential Economic Adviser.

Ibinahagi pa ni Hontiveros na sa ‘Google’ ay malalaman ang detalye ng  pakikipagpulong ni Pangulong Duterte kina Yang at Bingqiang noong 2016.

May video din ng pagbisita ni Pangulong Duterte sa mga opisyal ng Pharmally noong 2017.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.