Mga dahilan ng pagbagsak ng C-130 plane at Black Hawk chopper ibinahagi ni Defense Chief Lorenzana

By Jan Escosio September 01, 2021 - 11:57 AM

Isinapubliko ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang maaaring dahilan nang pagbagsak ng C-130 transport plane sa Sulu, na ikinasawi ng 53 katao, kamakailan.

Sa paharap ni Lorenzana sa House Committee on Appropriations para sa deliberasyon ng 2022 budget ng Department of National Defense, sinabi nito na maaring bukas ay mailabas na ang ulat.

Ayon kay Lorenzana ang pagbagsak ng C-130 plane ay maaring bunga ng mga depektibong instrumento at sistema ng eroplano.

Gayundin aniya ang ginawa ng piloto na hindi angkop sa sitwasyon.

Kaugnay naman sa pagbagsak ng Black Hawk utility helicopter sa Capas, Tarlac noong Hunyo, sinabi ni Lorenzana na ito ay bunga naman ng masamang panahon.

Bago ang pagbabahagi ng mga dahilan, nilinaw na ni Lorenzana na ang mga ito ay base sa kanyang nalaman mula sa  mga imbestigador.

Anim na opisyal at tauhan ng Philippine Air Force ang nasawi sa trahedya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.