Ito ang pagtitiyak ni Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo.
“Malapit na tayo sa panahong tinukoy niya para sa pagpapahayag ng kanyang desisyon,” sabi nito.
Sinabi pa ni Gutierrez na ikinukunsidera na ni Robredo ang mga pagsuporta ng ibat-ibang sektor ng lipunan at mga organisasyon, na humihimok sa kanya na tumakbo sa pagka-presidente sa 2022 elections.
Sunod-sunod ang paglulunsad ng kampaniya ng mga volunteers at supporters ni Robredo sa ilang lugar para mahikayat siyang tumakbo sa pagka-pangulo.
“Nagpapasalamat si VP Leni sa lahat ng mga nagpahayag ng kanilang tiwala at suporta. Kasama sa kanyang proseso ng pagdedesisyon ang pakikinig sa mga panawagang ito,” banggit pa ni Gutierrez sa inilabas na pahayag.