14 patay sa bumaligtad na truck sa China

By Dona Dominguez-Cargullo April 30, 2016 - 03:49 PM

Guizhou ChinaNasawi ang labing apat na katao matapos bumaligtad ang isang truck na may kargang mga bato sa China.

Naganap ang insidente sa southern province ng Guizhou, kung saan nawalan umano ng preno ang truck kaya bumaligtad ito at tumapon ang mga kargang bato sa isang activity center na puno ng mga tao.

Sa nasabing lugar gaganapin ang three-day May Day holiday activity simula bukas kaya may mga tao sa lugar na nag-aayos ng venue nang maganap ang aksidente.

Ayon sa mga otoridad, dahil sa mga kahalintulad na aksidente, patuloy ang kanilang paghihigpit sa mga overloaded na sasakyan.

Binabantayan din ang mga sasakyan hindi gaanong nasusuri bago ibiyahe at ang mga driver na nakainom.

 

TAGS: 14 killed in an accident in China, 14 killed in an accident in China

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.