Komedyanteng si Mahal, pumanaw na sa edad na 46

By Angellic Jordan August 31, 2021 - 09:17 PM
Photo credit: MAHAL/Facebook

Pumanaw na ang komedyanteng si Noeme Tesorero o mas kilala bilang si Mahal.

Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na si Irene Tesorero sa Facebook.

Nag-post din sa social media ang kapwa-komedyante at malapit na kaibigan na si Brenda Mage kung saan ibinahagi nito ang pagmamahal at paghanga kay Mahal.

“Bago ka nawala nakagawa ka pa ng napakabuting gawain sa partner mong si Mura…ang dami dami mong napasaya sa napaka genuine mong pagkatao Mahal ka ng lahat… Mahal ka namin MAHAL…. pahinga na aming Munting MAHAL….. NOEMI TESORERO MAY YOU REST IN PEACE 🙏🙏🙏🙏,” saad nito.

Hindi naman nabanggit kung ano ang naging dahilan ng pagpanaw ni Mahal.

Nakilala si Mahal sa mga ginampanang role sa pelikulang “Kokey” noong 1997 at iba pa.

TAGS: InquirerNews, Mahal, Mahal cause of death, Mahal died, Noeme Tesorero, RadyoInquirerNews, RIP Mahal, InquirerNews, Mahal, Mahal cause of death, Mahal died, Noeme Tesorero, RadyoInquirerNews, RIP Mahal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.