Ex-president na naging VP puwede ulit maging president – DOJ chief

Hindi ipinagbabawal sa 1987 Constitution na ang presidente ng bansa na mahahalal na bise presidente ay maaring maupo muling pinakamataas na halal na opisyal.

“That is precisely the role of the Vice President to take over if the elected president dies in office, becomes permanently incapacitated or resigns,” ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra.

Ipinunto ito ni Guevarra sa kanyang komento kasunod nang pagdeklara ni Pangulong Duterte sa pagsali sa vice presidential race sa eleksyon sa susunod na taon.

Sabi pa niya, inaasahan din naman ng mamamayan ang mga ito sa pagboto nila ng kanilang nais na maupo bilang bise president.

Hindi aniya ipinagbabawal sa Saligang Batas na ang naupong pangulo ng bansa ay hindi na maaring mahalal sa mas mababang posisyon.

Ibinigay nitong halimbawa si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naging miyembro ng Mababang Kapulungan, si dating Pangulong Joseph Estrada naman ay nagsilbi ng dalawang termino bilang alkalde ng Maynila.

Malinaw naman aniya ang nakasaad sa Saligang Batas na ang tanging ipinagbabawal ay ang pagtakbo muli ng pangulo ng bansa sa katulad na posisyon.

Read more...