31 Filipinong nakaalis sa Afghanistan, nakauwi na ng Pilipinas

Nakauwi na ng Pilipinas ang 31 pang Filipino na nakaalis sa Afghanistan, araw ng Martes (August 31).

Base sa situation bulletin ng Department of Foreign Affairs (DFA), nakabiyahe patungong Maynila ang mga Filipino sa pamamagitan ng repatriation flight mula sa Doha.

Kinumpirma rin ng kagawaran na ang evacuation ng isa pang Filipino sa Afghanistan.

Sa ngayon, nananatili ang Filipino sa Islamabad habang hinihintay ang repatriation nito.

Patuloy pa rin ang mahigpit na pagtutok ng DFA sa sitwasyon at estado ng mga nalalabing Filipino sa Afghanistan.

Sakaling magkaroon ng emergency, maaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Islamad sa Pakistan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Whatsapp/Viber: +923335244762
Messenger/Facebook: facebook.com/atnofficers.islamadadpe o facebook.com/OFWHelpPH
Email: isbpeatn@gmail.com

Read more...