Cebu Pacific, magkakaroon na muli ng biyahe patungong Hong Kong simula sa Sept. 1
Magkakaroon na muli ang Cebu Pacific ng direct flights mula Maynila patungong Hong Kong simula sa September 1, 2021.
Ayon sa airline company, magkakaroon sila ng anim na flights kada linggo sa buong buwan ng September, maliban lamang tuwing Sabado.
Unti-unti nang binabalik ang kanilang international network bilang solusyon sa pangangailangan ng dagdag na flights para sa mga essential traveler.
“There is latent travel demand and we remain cautiously optimistic as we boost operations where it is needed most,” pahayag ni Xander Lao, Chief Commercial Office ng Cebu Pacific.
Patuloy aniya silang makikinig sa mga pasahero at gagawing prayoridad ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Filipino.
Inabisuhan ang mga pasaherong nais magtungo sa Hong Kong na kumpletuhin ang HKG Department of Health Online Declaration form at dalhin ang negatibong resulta ng RT-PCT test na naisagawa 72 oras bago ang nakatakdang biyahe.
Dapat ding iprisinta ang kumpirmasyon ng room reservation sa alinmang hotel sa Hong Kong nang hindi bababa sa 21 araw.
Para naman sa mga fully vaccinated, kailangang ipakita ang vaccination record.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.