Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Ilocos Norte.
Sinabi ng Phivolcs na namataan ang episentro ng lindol sa layong 9 kilometers Northeast ng Burgos dakong 3:45 ng hapon.
May lalim ang lindol na 4 kilometers at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang intensity 2 sa Burgos, Ilocos Norte habang instrumental intensity 1 naman sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Hindi naman nagdulot ng pinsala at aftershock ang naturang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.