Bilang ng fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Pilipinas, higit 13.7-M na

By Angellic Jordan August 31, 2021 - 04:05 PM

Umabot na sa higit 33.09 milyon ang bilang ng mga naiturok na bakuna kontra sa COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 hanggang 6:00, Linggo ng gabi (August 29, 2021), nasa kabuuang 33,099,392 na ang naiturok na bakuna laban sa nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 19,314,711 ang nabigyan ng first dose habang 13,784,681 ang naturukan ng second dose.

Nasa 387,176 naman ang average ng daily vaccinated individuals sa nakalipas na pitong araw.

Patuloy namang hinihikayat ng gobyerno na magpabakuna na.

Pinaalalahanan din ang mga nabakunahan na sumunod pa rin sa minimum public health standards.

TAGS: BreakingNews, COVIDvaccination, COVIDvaccine, DeltaPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews, BreakingNews, COVIDvaccination, COVIDvaccine, DeltaPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.