Pumalo na sa 217.92 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 217,925,858 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 39,946,708 cases.
Sumunod na rito ang India na may 32,768,880 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 20,752,281 naman ang kaso sa Brazil habang 6,901,152 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 6,757,650
– France – 6,746,283
– Turkey – 6,366,438
– Argentina – 5,178,889
– Iran – 4,960,744
– Colombia – 4,907,264
– Spain – 4,847,298
– Italy – 4,534,499
– Indonesia – 4,079,267
– Germany – 3,947,016
– Mexico – 3,341,264
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,524,089 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 194,805,950 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.