Iglesia Ni Cristo, wala pang iniendorsong kandidato

By Rod Lagusad April 30, 2016 - 12:59 PM

IGLESIA NI KRISTO / file photo /SEPT. 7, 2009 Iglesia ni Cristo (INC) central headquarters in Quezon City. PHOTO BY NINO JESUS ORBETA
PHOTO BY NINO JESUS ORBETA

Hindi pa kinukumpirma ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo ang mga ulat na si Senator Bongbong Marcos na ang kanilang iniendorso sa pagka-bise presidente sa darating na May 9 elections.

Ayon kay Edwil Zabala, tagapagsalita ng INC, wala pang official endorsement sa sinumang kandidato ang nasabing religious sect.

Dagdag pa niya kapag meron ng napagdesisyunan ang INC sa kung sinong kandidato ang kanilang ieendorso ay agad nila itong ipapaalam sa media at publiko.

Napabalita na pinagdedesisyunan pa ng INC ang kanilang iiendorsong kandidato sa kanilang milyun-milyong kandidato para iboto.

Hindi kailanman kinumpirma na inoobliga ng INC ang kanilang mga miyembro na iboto ang mga kandidatong iniendorso ngunit kilala sa “bloc voting” na siyang nagpapanalo sa mga kandidato sa national elections na nagdadala ng hindi bababa sa limang milyong boto.

Sa 2010 presidential elections , inendorso ng INC ang kandidatura ni Pangulong Noynoy Aquino.

Kamaikailan lang nakipagpulong ang INC sa mga presidential candidates na sina Vice President Jejomar Binay, Sen. Grace Poe, Davao City Mayor Rodrigo Duterte and dating interior secretary Manuel Roxas II.

TAGS: 2016 elections, Iglesia ni Cristo, 2016 elections, Iglesia ni Cristo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.